Sa 64-pahinang dissenting opinion ni Caguioa na inilabas ng Korte Suprema, sinabi niyo na sa ilalim ng Article XI, Section 2 ng saligang batas, hindi maaaring matanggal si Sereno sa pamamagitan ng quo warranto na isinampa ni Solicitor General Jose Calida.
Iginiit ni Caguioa na hindi balidong dahilan sa konstitusyon ang hindi pagsusumite ng kumpletong Statement of Assets and Liabilities and Networth o SALN para kuwestiyunin ang kwalipikasyon ng chief justice.
Bukod dito, lampas na sa isang taong prescriptive period ang quo warranto na isinampa laban sa punong mahistrado.
Kaugnay nito, inihalintulad ni Caguioa ang ginawa ng SC sa Japanese suicide na sepuouko o harakiri na walang karangalan.
Ikinahihiya din aniya niya inilabas na desisyon ng mga kasamahang mahistrado na agad na executory kaagad.
Kahit na aniya gaano kinamumhian ang isang miyembro ng SC, hindi dapat na binabago ang alituntunin ng korte para ito ay idispatsahin.