NAIA customs officer, mag-asawa arestado sa pagpuslit ng 1.9 kilong gold na alahas

By Len Montaño May 12, 2018 - 03:39 PM

Inquirer file photo

Arestado ang isang customs officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at dalawang iba pa dahil sa smuggling sa bansa ng 1.9 kilograms ng gold jewelry.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang mga suspects ay si NAIA Customs Operations Officer V Lomontod Macabando at ang mag-asawang sina Abraham Mimbalawag at Bang-sa Minbalawag.

Naaresto ang tatlo sa NAIA Terminal 3 base sa tip ng customs examiner na napuna ang tangkang pagpuslit sa alahas.

Pagdating ng mag-asawa mula sa Dubai ay inabot nila ang isang black clutch bag kay Macabando at mabilis na lumabas sa exit ng Customs Arrival Area.

Sa una ay natakasan ni Macabando ang BOC personnel na humarang sa kanya pero nahuli rin ito ng airport security guards at ng pulisya.

Sa inspeksyon ay nakitang laman ng clutch bag ang 24 piraso ng singsing, 1,029 na pares ng hikaw, 155 na piraso ng pendant, 5 piraso ng hikaw na may pendant, 19 piraso ng bangles, 295 piraso ng kwintas at 101 piraso ng bracelet.

Pinalaya rin ang tatlo pero nahaharap sila sa kasong smuggling habang iniimbestigahan ng Intelligence and Investigation Service ng BOC ang posibleng administrative violation ni Macabando.

TAGS: BOC, Customs Operations Officer V Lomontod Macabando, naia terminal 3, BOC, Customs Operations Officer V Lomontod Macabando, naia terminal 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.