Sugatan ang 10 katao matapos sumabog ang isang improvised explosive device sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Brigadier General Cirilito Sobejana, sumabog ang IED sa loob ng JNB Sari Sari store at videoke bar sa bahagi Sitio Martinez sa Barangay San Raymundo pasado 7:00, Biyernes ng gabi.
Aniya, agad naisugod sa Integrated Provincial Health Office hospital ang 10 kalalakihan na nag-iinuman nang mangyari ang insidente.
Ayon pa kay Sobejana, base sa inisyal na imbestigasyon, remotely detonated ang naturang IED.
Patuloy namang inaalam ng Sulu Provincial Police Office ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pagsabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.