Pagpapatalsik kay Sereno, kinondena ng HRW

By Angellic Jordan May 12, 2018 - 01:52 PM

“Unprecedented and nefarious”

Ganito inilarawan ng Human Rights Watch (HRW) ang pagpapatalsik ng Supreme Court (SC) kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa isang pahayag, sinabi ni HRW Asia Division researcher Carlos Conde na nasagasaan ng pagkakasibak ng SC kay Sereno kay democratic rule ng Pilipinas.

Giit ni Conde, si Sereno ang panibagong biktima ng humahabang listahan ng mga institusyon at indibidwal na sinisiraan ng administrasyong Duterte.

Magbubukas din aniya ito ng posibilidad na pagsibak sa iba pang opisyal ng gobyerno.

Napatalsik si Sereno matapos paburan ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa botong 8-6.

TAGS: demokrasya, human rights watch, Maria Lourdes Sereno, Supreme Court, demokrasya, human rights watch, Maria Lourdes Sereno, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.