1 pulis, 2 drug suspects arestado sa buy-bust ops sa Pampanga

By Angellic Jordan May 12, 2018 - 12:50 PM

Inquirer file photo

Huli sa akto ang isang pulis at dalawang drug suspects na nagbebenta ng hinihinalang shabu sa Mabalacat, Pampanga.

Na-korner ang nahuling pulis na si PO1 Kevin Pierre Apostol, miyembro ng Arayat police, at dalawa pang kasamahan na sina Angelic Pabilonia at Donato Felipe sa bahagi ng Pineda Subdivision sa Barangay Dau, Biyernes ng hapon.

Sinampahan ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Maliban dito, lumabag din ang mga suspek sa ipinapatupad na gun ban ng Commission on Elections (Comelec) kasunod ng May 14 elections.

Nakumpiska sa mga suspek siyam na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,000, isang handgun, mga bale at ila pang gamit kasama ang P500 na ginamit bilang marked money.

Ayon kay Central Luzon police director CSupt. Amador Corpus, bumaba ng 25% ang bilang ng mga kaso ng murder, homicide, pagnanakaw, physical injury, pagnanakaw ng sasakyan at rape sa rehiyon mula January hanggang April 2018.

TAGS: Gun ban, Pampanga police, shabu, Gun ban, Pampanga police, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.