Monitoring teams ng DILG, ikakalat para matiyak ang maayos na halalan
Nakaantabay na ang monitoring teams ng Department of Interior and Local Government (DILG) Office sa lahat ng regional, provincial, at city field offices nito para subaybayan ang gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Lunes.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, may inilabas nang memorandum si DILG Undersecretary for barangay Affairs Martin Diño na nagtatakda ng mga tungkulin ng mga DILG Monitoring teams sa araw ng botohan, at pagkatapos ng halalan.
Kabilang aniya sa responsibilidad ng mga teams ay ang pagsasagawa ng 24 oras na monitoring sa mga election-related incidents at tiyakin na ang lahat ng mga kandidato ay sumunod sa lahat ng mga alituntunin na inilatag ng Commission on Elections (Comelec).
Pagkatapos ng halalan, ang teams ang mag-rereport sa DILG ng mga nanalong kandidato, mga barangay na may failure of elections, at mga lugar na walang nahalal.
Tungkulin din ng mga teams na tiyakin na magkaroon ng proper turnover ang mga incumbent bgy officials sa mga nanalong kandidato, at mailipat ang lahat ng property at records ng barangay sa mga bagong opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.