WATCH: 20 bahay tinupok ng apoy sa QC; 4 sugatan
20 bahay ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap sa Barangay Old Balara, Quezon City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay ni Maring Millabis.
Dahil sa magkakadikit ang mga bahay at pawang gawa sa light materials, mabilis na iniakyat sa ikatlong alarma ang sunog na sumiklab nang 7:40 ng umaga.
4 naman ang naitalang sugatan kabilang na ang isang fire volunteer na si Virgilio Cabiga, 35 anyos.
Bukod kay Cabiga, nasugatan din sina Yvon Cabunillas, Fernal Alvarado at Marianito Banal.
Nasa P50,000 ang pinsalang iniwan ng sunog na naapula dakong 8:30 ng umaga.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.
Sunog sa isang residential area sa Brgy. Old Balara, Quezon City na itinaas sa ikatlong alarma kanina, fire under control na I @dzIQ990 pic.twitter.com/qttWkRnxI5
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) May 12, 2018
20 bahay tinupok ng apoy sa Brgy. Old Balara, Quezon City; 4 na indibidwal sugatan I @dzIQ990 pic.twitter.com/wyxAK7BKOv
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) May 12, 2018
Narito ang ulat ni Mark Makalalad:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.