Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Davao Occidental.
Una nang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na magnitude 5.5 ang lindol ngunit ibinaba ito sa magnitude 5.4.
Naganap ang lindol alas 4:46 ng umaga at tumama sa may Silangang Bahagi ng Malita ng naturang probinsya.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na nasa 100 kilometro lalim.
Naramdaman ang instrumental intensity 3 sa Alabel, Saranggani at General Santos City. Habang intensity 2 sa Davao City.
Wala naman naitalang malaking pinsala ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.