Dating CJ Sereno, magkakaroon ng masayang mother’s day, pagtitiyak ng anak

By Isa Avendaño-Umali May 12, 2018 - 04:02 AM

INQUIRER File Photo

Tiniyak ng anak ni Ma. Lourdes Sereno na magkakaroon ng masayang “Mother’s Day” ang napatalsik na Supreme Court chief justice.

Sa kanyang Facebook post, pinuri rin Joren Sereno ang kanyang ina, sa kabila ng pasya ng Korte Suprema na paburan ang quo warranto petition laban sa punong mahistrado.

Sinabi ni Joren na matapang ang kanyang nanay na nagsakripisyo upang mapanatiling masaya ang kanyang mga anak.

Tinukoy ni Joren ang pasya ng kanyang ina na isantabi ang magandang trabaho at mataas na sweldo at mas pinili ang makasama ang pamliya.

Ayon kay Joren, sa araw ng pagkakasipa sa kanyang ina bilang Supreme Court Justice, ay nakita niya ang kaparehong ngiti… ngiti ng pagkakaroon ng maayos na buhay at determinasyon na bubuti rin ang lahat sa kabila ng mga madilim na pangyayari.

Ngiti rin aniya ito ng isang abogado na isinuko ang kapangyarihan, kayaman at katanyagan, nang walang pag-aalinlangan.

Sinabi ni Joren na tanggap ng buong pamilya Sereno na sinapit ng ina ng tahanan, at aniya bukas ay isang panibagong araw.

Sa bandang huli, sinabi ni Joren na hindi na mapapabagsak ang kanyang ina.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.