Comelec, winasak ang higit 1M depektibong official ballots

Sinira ng Comission on Elections (COMELEC) kahapon ang mahigit isang milyong depektibong balota para sa May 14 Baranggay at Sangguniang Kabataan elections.

Naganap ang pagwasak sa 1,056,154 na kabuuang bilang ng depektibong balota sa National Printing Office sa Quezon City.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na sa ilalim ng batas ay maaari lamang i-produce ng Comelec ang one-is-to-one na bilang ng balota.

Gayunman anya ay hindi naiiwasan na magkaroon ng sobra o hindi kaya ay pagkakamali sa proseso ng pagiimprenta.

Sa kabuuang bilang ng sinirang mga balota ay 544,753 ay para sa SK elections habang 511,401 naman ang para sa barangay level.

Ayon kay Jimenez, kailangang sirain ang mga depektibong balota para maiwasan ang posibleng maling paggamit sa mga ito.

Kaya umano pina-cover ang pagsira sa media ay upang malaman ng mga tao kung ilan at paano sinira ang mga balota para maiwasan ang mga tanong kinalaunan.

Samantala, para matiyak ang transparency at seguridad ng halalan ay tinunghayan ng poll watchdog groups ang pagsira sa mga depektibong balota.

Read more...