14-anyos na lalaki, inaresto dahil sa shooting incident malapit sa Los Angeles

By Isa Avendaño-Umali May 12, 2018 - 03:47 AM

AFP Photo

Arestado ang isang katorse anyos na lalaki, kaugnay sa naganap na shooting incident sa isang high school sa Los Angeles noong Biyernes (May 11).

Ayon sa Los Angeles County Sheriff, ang suspek ay nakadetine malapit sa Highland High School sa Palmdale.

Isa ang sugatan sa pamamaril, na batay sa huling balita ay stable na ang kundisyon makaraang tamaan ng bala ng baril sa braso.

Hindi pa inilalabas ang mga pangalan ng suspek at biktima.

Narekober naman ng mga otoridad ang rifle ng ginamit ng suspek.

Nauna nang nai-ulat na ang biktima, na katorse anyos din, ay pababa ng kotse nang mamaril ang suspek.

Base naman sa ilang saksi, may narinig silang putok malapit sa Manzanita Elementary school kaya naman agad na rumesponde ang mga pulis.

Nagpatupad ng lock down ang ilang paaralan na malapit sa crime scene, upang maiwasang madamay ang iba pang mga estudyante, guro, staff at mga magulang.

Patuloy na iniimbestigahan ang motibo ng pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.