Magkakahiwalay na lindol yumanig sa Mindanao

Naitala ang magkakahiwalay na pagyanig sa Mindanao Biyernes ng gabi.

Alas-10:29 ng maitala ang magnitude 4.4 sa Sarangani, Davao Occidental.

May lalim ang pagyanig na 138 kilometro.

Alas-11:33 naman ng maitala ang magnitude 3.7 sa Pandan, Catanduanes.

May lalim ang pagyanig na isang kilometro.

Habang magnitude 4.8 na lindol naman ang tumama sa Governor Generoso, Davao Oriental.

May lalim itong 75 kilometro.

Naramdaman din ang magnitude 4.1 na lindol sa Burgos, Surigao del Norte alas 12:24 ngayong madaling araw.

May lalim itong 15 kilometro.

Pawang tectonic ang dahilan ng mga pagyanig.

Hindi naman inaasahan ang mga aftershocks at pagkasira sa mga ari-arian.

Read more...