Ginebra wagi kontra Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup

By Rhommel Balasbas May 12, 2018 - 03:36 AM

Tinuldukan na ng Barangay Ginebra ang dalawang beses nitong pagkatalo sa PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos magwagi ng koponan kontra Blackwater sa iskor na 105-91 sa kanilang laban sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna kagabi.

Dahil dito ay umangat na ang win-loss record ng Gin Kings sa 1-2 habang pinatikim ang Elite ng ikalima nitong sunod na pagkatalo.

Ayon kay Kevin Ferrer, kinailangan na nilang manalo dahil sobrang mahihirapan nang umangat ng koponan sakaling matalo pa muli.

Ito naman ang unang laro ni Greg Slaughter matapos ang tatlong buwan dahil sa severe ankle injury na kanyang natamo noong Pebrero.

Masaya anya siyang nakalaro muli kasama ang kanyang teammates.

Nagtala si Kevin Ferrer ng 21 puntos para sa Ginebra habang si Slaughter naman ay nagbigay ng 12 puntos.

Nanguna para sa Blackwater si Roi Sumang sa kanyang 18 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.