Pangulong Duterte, bukas na tanggalin ang deployment ban sa Kuwait

By Len Montaño May 11, 2018 - 09:38 PM

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na ang deployment ban o pagbabawal ng pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait.

Ito ay matapos mapirmahan ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na magbibigay ng dagdag proteksyon sa mga OFW sa nasabing Gulf country.

Sa kanyang talumpati sa Marawi City, sinabi ng Pangulo na papayag siyang tanggalin ang ban ngayong napirmahan na ang kasunduan na kanyang kundisyon para payagan na uli ang mga Pinoy na magtrabaho sa Kuwait.

Dahil nasunod na anya ang kanyang kundisyon at mayroong probisyon gaya ng wala ng pag-abuso at mayroong special police para lang sa Pinoy na inabuso, bukas na ang Pangulo na i-lift ang ban.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng pagpirma sa Memorandum of Understanding na “Agreement on the Employment of Domestic Workers between the Philippines and Kuwait.”

TAGS: deployment ban, Overseas Filipino Workers, Rodrigo Duterte, deployment ban, Overseas Filipino Workers, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.