Vandolph, Edu at Ricketts, kakandidato rin sa 2016

 

Naghain din ilang local celebrities ng kanilang certificate of candidacy upang kumandidato sa 2016 elections.

Sa ikalawang araw ng filing, naghain ng coc ang tv host/actor na si Edu Manzano upang tumakbo ilang senador.

Nagsumite rin ng kanyang candidacy si Vandolph Quizon upang makatakbo bilang konsehal ng Parañaque City sa ilalim ng Liberal Party.

Tatakbo namang kinatawan ng Muntinlupa City si dating Optical Media Board chairman at aktor na si Ronnie Ricketts sa ilalim ng United Nationalist Alliance.

Naghain rin ng coc sina Allan Paule, at Manoy Llige o Manolet Ripol upang tumakbo ng konsehal ng lungsod.

Sa Calatagan, Batangas, tatakbong vice mayor ang dating Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario.

Read more...