Net worth ni Pangulong Duterte, tumaas ng P1.1M noong 2017

By Len Montaño May 11, 2018 - 09:10 PM

Nadagdagan ng P1.1 million ang net worth ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2017.

Hanggang noong December 31, 2017, ang kabuuang asset ng Pangulo, kung babawasan ng kabuuang liabilities, ay nasa P28,540,321.07.

Ito ay 4% na mataas kumpara sa kabuuang net worth ni Duterte na P27,428,862.22 ng nakaraang taon.

Inihain ng Pangulo ang kanyang SALN sa Office of the Ombudsman apat na araw bago ang April 30 deadline alinsunod sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Inilista ng Pangulo ang siyam na real properties sa Davao City na may kabuuang halaga na P1,405,000.00 at personal properties na nakapangalan sa kanya.

Kabilang naman sa personal possessions ng Pangulo ang mga alahas (P300,000), investments (P2,500,00) at ibang personal properties (P1,500,000).

Nakasaad din sa SALN ng Pangulo ang tatlong residential lands sa Davao City na nagkakahalaga ng P3,080,000 sa ilalim ng 13 anyos na anak nitong si Veronica. May note ang properties na nabili ang mga ito sa eksklusibong pondo ng ina ng dalagita na si Cielito Avanceña.

Ang pagtaas ng net worth ni Duterte ay galing sa kanyang cash na hawak at nasa bangko na P19,365,321.07 na nadagdagan ng mahigit P911,000 gayundin ang nabawasan nitong liability na personal na utang sa negosyanteng si Samuel Uy.

TAGS: Rodrigo Duterte, SALN, Rodrigo Duterte, SALN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.