Kasunduan sa proteksyon ng mga OFW, pinirmahan na ng Pilipinas at Kuwait
Nilagdaan na ng Pilipinas at Kuwait ang kasunduan na magbibigay ng mas mabuting proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa naturang Arab country.
Pinirmahan ng mga opisyal ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding na tinatawag na “Agreement on the Employment of Domestic Workers between the Philippines and Kuwait.”
Kabilang sa mga probisyon ng kasunduan ang pagkakaroon ng 24-7 hotline kung saan pwedeng magreport ang mga OFW ng pag-abuso gayundin ang special police unit na tutugon sa nasabing reklamo.
Itinakda ng Pilipinas ang kasunduan sa Kuwait na isang kundisyon sa pagtanggal ng deployment ban sa naturang Gulf state.
Ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal ng pagpapadala ng mga Filipino workers sa Kuwait dahil sa magkakasunod na pag-abuso sa mga Pinoy kabilang ang natagpuan sa freezer na si Joana Demafelis.
Nagka-iringan naman ang dalawang bansa dahil sa pagkalat ng video ng pagligtas ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Kuwait sa ilang Pinay domestic workers doon.
Nagresulta ito sa pagpapalayas ng Kuwait sa Ambasador ng Pilipinas na si Renato Villa at ang pag-recall naman ng kanilang Ambassador dito sa bansa.
Excerpt: Pirmado na ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait kaugnay ng proteksyon ng mga Oversear Filipino Workers
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.