Rating ni PNoy, tumaas sa pinakahuling SWS survey

By Jay Dones October 14, 2015 - 04:51 AM

 

Mula sa gov.ph

Tumaas ang net satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino III sa third quarter survey ng Social Weather Station o SWS.

Mula sa +31 noong second quarter, nasa +37 ang net satisfaction rating ngayon ni PNoy.

Isinagawa ang survey nitong nakalipas na September 2-5 na kinabibilangan ng 1,200 mga respondents.

Sa naturang bilang, nasa 59 porsiyento ang nagsabing ‘satisfied’ sila sa performance ni Pangulong Aquino, samantalang 22 porsiyento ang ‘disssatisfied’ o hindi masaya sa performance ng Pangulo.

Gayunman, tumanggap ng ‘bad’ o -47 percent satisfaction sa isyu ng pagresolba ng isyu ng Maguindanao massacre.

Malugod naman tinanggap ng Malacañang ang pinkahuling resulta ng SWS survey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.