2 suspek sa pagpatay sa konsehal ng Sariaya, arestado

By Rohanisa Abbas May 11, 2018 - 02:10 PM

Arestado ang dalawang pangunahing suspek sa pagpatay kay Aristeo Ilao, konsehal ng Sariaya, Quezon.

Ayon kay Chief Supr. Guillermo Eleazar, inaresto nila sina Ramil Gasmundo at kapatid nito na si Reynaldo dakong ala-1:10 ng hapon ng Huwebes, tatlong oras matapos nila tambangan ang biktima.

Ayon sa pulisya, bayaw ni Ilao ang mga suspek.

Ayon kay Supt. Rafael Torres, hepe ng Sariaya police, inamin ng magkapatid na Gasmundo na personal na hinanakit ang kanilang motibo sa pagpatay sa konsehal.

Pinagbabaril si Ilao ng dalawang suspek na pinasok ang kanyang bahay dakong alas-9:30 ng umaga ng Huwebes.

TAGS: Pananambang, Quezon, Sariaya, Pananambang, Quezon, Sariaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.