Pagpapatalsik kay Sereno, makabubuti para sa bansa – SolGen

By Rohanisa Abbas May 11, 2018 - 01:35 PM

Makabubuti para sa bansa ang ginawang pagpapatalsik ng Korte Suprema kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado.

Ipinahayag ito ni Solicitor General Jose Calida na siyang naghain ng quo warranto petition laban kay Sereno.

Sinabi ni Calida na pinangangalagaan nito ang katatagan at integridad ng hudikatura. Aniya, ang desisyon ng Korte Suprema laban kay Sereno ay simbulo ng kalayaan ng hudikatura.

Pinasalamatan naman ng Solictor General ang mga mahistradong bumoto pabor sa quo warranto petition.

Ani Calida, sa kabila ng mga panawagan ng ga nagpapanggap umanong pinangingibabaw ang Saligang Batas, ginawa pa rin ng mga mahistrado ang kanilang sinumpaan at nangibabaw ang batas.

Kasabay nito, hinimok ni Calida ang publiko na patuloy na labanan ang mga banta sa katatagan at integridad ng gobyerno.

TAGS: Chief justice, hudikatura, jose calida, korte suprema, Maria Lourdes Sereno, solicitor general, Chief justice, hudikatura, jose calida, korte suprema, Maria Lourdes Sereno, solicitor general

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.