Net satisfaction ng Administrasyon Duterte, bumagsak nang 12 puntos
Bumagsak nang 12 puntos ang net satisfaction rating ng Administrasyong Duterte, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.
Mula sa +70 o excellent rating noong December 2017, bumaba sa +58 o very good ang net satisfaction rating ng Administrasyon Duterte noong March 2018.
Sa SWS survey, 69% ng mga Pilipino ang kuntento sa trabaho ng administrasyon, habang 11% ang hindi nasiyahan. Labing-walong porsyento naman ang hindi makapagsabi kung kuntento sila o hindi sa trabaho ng adminstrasyon.
Isinagawa ng SWS ang survey mula March 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents sa iba’t ibang panig ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.