Korean detainee pinatakas sa BI kapalit ng isang milyong piso

By Jay Dones October 14, 2015 - 04:44 AM

 

Inquirer file photo

Pinalaya ng ilang tiwaling mga kawani ng Bureau of Immigration o BI ang Koreanong si Seongdae Cho kapalit ng isang milyong piso.

Si Cho ang detainee ng BI sa Bicutan, Taguig na misteryosong nawala habang nakakulong ngunit nahuli rin nitong nakaraang Sabado.

Ayon kay Immigration Commissioner Siegfred Mison, nasa sampung tauhan ng ahensya nagsabwatan upang makalabas ng kulungan ang dayuhan na sangkot sa kaso ng human trafficking.

Sa kanyang muling pagkakadakip, inginuso ni Cho ang sampung BI personnel na hindi muna pinangalanan na tumanggap ng isang milyong pisong suhol para siya’y makalabas ng detention facility at makatakas.

Ang mga kawani ng BI na sangkot sa krimen ay sasalang sa imbestigasyon ayon kay Mison.

Si Cho ay inaresto ng BI dahil sa pagbebenta ng mga kababaihan sa mga kapwa niya Koreano at pagkatapos ay ipa-eentrap ang mga ito sabay kikikilan ng hanggang 5 milyong piso upang hindi na makasuhan.

Sangkot din ang dayuhan sa pangingikil at robbery-extortion dito sa Pilipinas at Korea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.