1,000 ralyista, inaabangan ang desisyon sa quo warranto petition sa labas ng Korte Suprema

By Rohanisa Abbas May 11, 2018 - 09:16 AM

Tinatayang nasa 1,000 ralyista ang nagtipon-tipon sa labas ng Korte Suprema habang inaabangan ang magiging desisyon ng mga mahistrado sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Supt. Emery Abating, komander ng Manila Police District Station 5, tinatayang nasa 700 na ang bilang ng mga tagasuporta ni Sereno sa lugar habang nasa halos 200 ang mga kontra sa punong mahistrado ang nagpo-protesta.

Nakapwesto ang mga tagasuporta ni Sereno sa mula kahabaan ng Padre Faura at kanto ng Taft Avenue, habang ang mga kontra sa punong mahistrado ay nakapwesto sa kahabaan pa rin ng Padre Faura, sa bahagi ng Department of Justice.

Isang fire truck at dalawang trak ng pulisya ang naghahati sa dalawang grupo.

Sinabi ni Abating na iniiwasan nilang magpang-abot ang dalawang grupo. Inaasahan ng pulisya na lolobo ang bilang na ito sa mga susunod na oras.

Pagbobotohan ng Korte Suprema ang quo warranto petition laban kay Sereno mamayang alas-10:00 ng umaga.

TAGS: chief justice maria lourdes sereno, korte suprema, manila, Rally, chief justice maria lourdes sereno, korte suprema, manila, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.