Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, tumaas na dalawang araw bago ang Mother’s Day

By Dona Dominguez_Cargullo May 11, 2018 - 08:57 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Dalawang araw bago ang paggunita sa Mother’s Day, tumaas na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila.

Ang presyo ng isang bouquet ng nakaayos na mga bulaklak ay nasa P500 pesos na ngayong umaga.

Ayon sa mga nagtitinda, maari pang umabot sa P700 hanggang P800 ang presyo ng isang bouquet bukas araw ng Sabado kung kailan inaasahang mas marami ang mamimili.

Posible naman anilang sa Linggo ng tanghali hanggang hapon ay muling bumaba ang presyo ng mga bulaklak.

TAGS: bulaklak, Dangwa, Mother's Day, bulaklak, Dangwa, Mother's Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.