Reynaldo Parojinog Jr., inilipat sa QC Jail

PIA Misamis Occidental

Inilipat sa Quezon City Jail mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame si Reynaldo Parojinog, Jr. anak ni dating Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog.

Kinumpirma ni QC Jail Deputy Warden for Operations Inspector Joel Cruz ang paglipat sa nakababatang Parojinog sa QC Jail.

Ayon kay Cruz, bantay-sarado si Parojinog nang isagawa ang paglilipat, Huwebes ng gabi.

Nahaharap si Reynaldo Jr. sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Naaresto sya kasama ang kapatid na si Ozamiz Vice Mayor Princess Nova Parojinog sa isinagawang raid sa kanilang bahay kung saan nakuha ang kalahating kilong shabu at mahigit P1.4 million na gayundin ang mga armas at bala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...