MRT-3 nakapag-deploy ng 18 tren

By Rhommel Balasbas May 11, 2018 - 04:58 AM

Matapos ang 16 na araw na walang aberya, ay tila mas gumaganda pa ang serbisyo ng Metro Rail Transit (MRT) 3.

Ito ay matapos makapagdeploy ang MRT-3 Huwebes ng gabi ng 18 tren na kauna-unahang nangyari matapos ang anim na buwan.

Ayon kay MRT media relations officer Aly Narvaez, huli silang nakapagdeploy ng nasabing bilang ng tren noong November 16 pa ng nakaraang taon.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Narvaez na ito ay bunsod ng matagumpay na restoration ng maintenance team ng MRT sa tatlong serviceable cars sa mga nagdaang araw.

Matatandaang nabalot sa kontrobersiya ang MRT-3 matapos ang halos araw-araw na aberya sa unang bahagi ng taon.

Gayunman, matapos ang maintenance activities noong Abril ay unti-unti nang gumaganda ang serbisyo ng pinakaabalang train system sa bansa kung saan mayroong average na 15 trains kada araw ang naidedeploy.

Huling nagkaroon ng unloading incident ang MRT-3 noon pang April 23 habang noong May 4 ay naitala ang pinakamataas na bilang ng pasahero sa 388,150 passengers at wala ring aberya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.