Anak ni Saab Magalona sasailalim sa operasyon

Saab Magalona Instagram

Isang buwan matapos makauwi ang anak ni Saab Magalona na si baby Pancho ay muli itong babalik ng ospital para sumailalim sa operasyon.

Ngunit ito ay para tanggalin ang Ommaya Reservoir na nakalagay sa ulo nito.

Sa isang Instagram post ni Saab ay ibinahagi nito ang litrato ni baby Pancho kung saan makikita na mayroong bukol sa ulo ng bata.

Paliwanag ni Saab, ang bukol ay ang Ommaya Reservoir na isang silicone catheter. Aniya, inilagay ito sa ulo ng kanyang anak ilang araw matapos itong ipanganak upang matanggal ang pressure sa utak ni Pancho dahil sa sobrang fluid sa ulo nito.

Nagpasalamat si Saab sa mga panalangin para sa kanyang anak dahil sa ngayon ay hindi na kailangan ni Pancho ang Ommaya Reservoir.

Ngayong araw isasailalim sa operasyon si baby Pancho kaya naman muling nanghingi ng panalangin si Saab para sa naturang procedure.

Read more...