Kasabay ng naganap na pag-uusap sa Kuwait ay tumungo naman sa Riyadh, Saudi Arabia si Foreign Secretary Alan Peter Cayetano upang makapulong si Foreign Minister Adel Al -Jubeir.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang dalawang araw na official visit ay layong pag-ibayuhin ang relasyon ng Pilipinas sa Saudi Arabia kung saan milyong Filipino ang nagtatrabaho.
Dahil sa pagbisita ni Cayetano sa Saudi Arabia ay umugong ang mga ispekulasyon na sinadya itong hindi isali na naging pag-uusap sa Kuwait.
Nang tanungin si Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit hindi kasali ang kalihim sa delegasyon sa Kuwait, sinabi nito na hindi bahagi ng itinerary si Cayetano sa nasabing pulong kasama ang Kuwaiti Officials.
Ayon kay Roque alam niya na kasama ni Cayetano si Secretary Datu Abul Khayr Dangcal Alonto ng Mindanao Development Authority dahil kasama niya umano si Alonto sa eroplano at papunta umano itong Riyadh.
“He is on official business in Saudi Arabia. I do know that he was in the company also of Secretary [Datu Abul Khayr Dangcal] Alonto kasi kasabay namin sa eroplano si Secretary Alonto at papunta sila ng Riyadh (because we were on the plane with Secretary Alonto and they were going to Riyadh),” ani Roque.
Ayon kay Cayetano isa sa mga dahilan kung bakit mas pinili niyang pumunta sa Saudi Arabia ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino roon sa gitna ng nagaganap na missile attacks sa nasabing arab state.