Implementasyon ng Senior High School, matagumpay – DepEd
Naging matagumpay ang implementasyon ng Senior High School (SHS) ayon kay Education Secretary Leonor Brioners.
Sa press briefing tungkol sa nasabing programa, sinabi ni Briones na nalampasan ang initial expectations sa unang dalawang taon ng implementasyon nito.
Ayon kay Briones, iniulat niya kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang miyembro ng Gabinete ang resulta ng unang dalawang taon ng pagpapatupad ng SHS simula noong 2016.
Ayon kay Briones, noong School Year (SY) 2016-2017 ang inaasahan lamang nilang enrollees para sa Grade 11 ay 700,000 ngunit pumalo pa ito sa higit-kumulang 1.5 milyon.
Ipinagmalaki pa ng kalihim na sa unang batch ng nakapagtapos sa SHS ngayong 2018, nagawa ng kanyang kagawaran na magbigay libreng edukasyon o hindi kaya ay malaking subsidiya sa 2,733,460 estudyante sa mga pampubliko at pribadong paaralan para sa SY 2017-2018.
Iginiit ni Briones na ang tagumpay sa pagpapatupad ng SHS program ay naging posible dahil sa commitment ng administrasyong Duterte sa nasabing programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.