Compensation benefits ng private sector, itinaas ni Pangulong Duterte

Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang compensation benefits o ang EC benefits ng mga empleyado sa pribadong sektor at ang career’s allowance ng mga nagtatrabaho sa publikong sektor.

Sa ilalim ng Executive Order No. 54 na pinirmahan ng pangulo noong may 8, inaprubahan nito ang P1,150 across the board increase sa EC monthly disability pension ng lahat ng permanent disability pensioners at mga kwalipikadong beneficiaries sa public sector.

Nakasaad sa EO na mula P575 ay P1,000 na kada buwan ang career’s allowance ng EC permanent disability pensioners sa public at private sector.

Itinaas din ng pangulo ang reimbursement para sa professional fees ng mga doktor sa ilalim ng EC medical benefits para sa mga empleyado sa pribadong sektor.

Ang bagong rate para sa arawang pagbisita ng doktor sa ward ay P400 kada araw sa general practioner, at P600 para sa espesyalista, habang P1,600 ang halaga ng maximum confinement para sa general practitioner, at P2,400 para sa specialist.

Tumaas din ang bayad sa intensive care unit o coronary care unit at physical therapy.

Inutusan naman ni Duterte ang SSS na patuloy na ipatupad ang P2,000 minimum OC monthly disability and survivorship pension sa pribadong sektor.

Read more...