Tarlac LTO official na sangkot sa iligal na droga, sinibak na sa pwesto

Sinibak sa pwesto ni Department of Transportation (DOT) Secretary Arthur Tugade ang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa Tarlac dahil sa umano’y pagkakasangkot sa iligal na droga.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Tugade na kung dawit sa kurapsyon lalo na sa droga ay tiyak na sisipain niya.

Tinanggal ng kalihim si LTO Tarlac officer-in-charge Rodel Yambao.

Tinawag ng kalihim si Yambao na anay na walang puwang sa ahensya lalo na sa lipunan na anya’y galit sa droga.

Naaresto si Yambao noong May 8 matapos makuha sa kanya ng pulis at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu, isang granada, at mga bala.

Ikinukunsidera ang LTO OIC na isang high value target at nahaharap ito sa kasong possession of illegal drugs at illegal possession of firearms and ammunition.

Inutusan naman ni Tugade si LTO Chief Edgar Galvante na imbestigahan pa kung sangkot si Yambao sa kurapsyon noong nasa pwesto pa ito.

Read more...