Mga nasa PDEA narco-list kakatukin ng PNP

By Len Montaño May 11, 2018 - 01:31 AM

Itotokhang ng Philipine National Police (PNP) ang mahigit 200 na mga opisyal ng barangay na nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PNP Acting Director for Operations Chief Superintendent Ma O aplasca, hiniling ng PDEA sa PNP na katukin at pakiusapan ang 207 barangay officials na sumuko.

Kapag hindi aniya sumuko ang tinokhang na barangay official, ang sunod na gagawin ng PNP ay magsagawa ng case build up operations at ikakasa na ang operasyon laban sa opisyal ng barangay na sangkot sa droga.

Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na nasa kanilang listahan ang 90 barangay chairpersons at 177 na kagawad sa Bicol, Cordillera Administrative Region (CAR), at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Magsasampa ang PDEA sa Office of the Ombudsman ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga opisyal ng barangay na may kaugnayan sa iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.