Malacañan kumpyansang uunlad pa ang ekonomiya ng Pilipinas
Kumpyansa ang Malacañan na mapapanatili ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa kahit hindi naabot ang target na Gross Domestic Product (GDP) growth sa unang bahagi ng 2018.
Dahil sa paggastos ng gobyerno, tumaas ng 6.8% ang GDP sa first quarter ng taon pero mas mababa ito sa 7 hanggang 8% na target ng mga economic managers ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magandang balita ang economic growth dahil mas mabilis ito sa 6.5% na GDP growth sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Positibo ang pamahalaan na magpapatuloy ang economic momentum dahil sa mas mataas na koleksyon ng buwis at mas malaking gastos sa imprastratura.
Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na dapat ay naabot ang target na 7 hanggang 8% kung hindi sa pagsipa ng inflation sa unang kwarter ng taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.