Number coding suspendido sa May 14

Suspendido ang number coding scheme para sa barangay at Sanggunian Kabataan (SK) elections sa Lunes, May 14.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), sinuspinde ang unified vehicular volume reduction program kasabay ng halalan.

Inanunsyo ang suspensyon ng number coding sa Twitter ng MMDA.

Sinamantala naman ng ahensya na magpaalala sa publiko na bumoto nang tama.

Hinikayat ng MMDA ang mga Pilipino na pumunta sa mga polling precincts at gawin ang karapatang bumuto.

Read more...