Taga-suporta ni CJ Sereno nagsagawa ng prayer vigil

Nagdaos ng prayer vigil ang mga taga-suporta ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa bisperas ng botohan ng Korte Suprema sa quo warranto petition na layong ipawalang bisa ang pagkatalaga niya sa pwesto.

Huwebes ng gabi ay nagtipon na ang mga supporters ni Sereno sa harap ng Supreme Court sa Maynila.

Nagkaroon ng misa, nagsindi ng mga kandila, at nag-vigil sa lugar ang mga Sereno supporters.

Ayon kay Pastor Caloy Diño, convenor ng Sereno-Supportive Coalition for Justice, walang problema sa impeachment dahil ito ay nasa batas.

Pero para aniyang pandaraya ang quo warranto na proseso ng pagtanggal sa punong mahistrado.

Una nang ikinasa ng pro-Sereno protesters ang tinatawag na ‘Jericho March’ bilang paggiit naman sa pagpapatalsik sa nagsampa ng quo warranto case na si Solicitor General Jose Calida.

Sa Supreme Court en banc session sa Biyernes ng umaga ay dedesisyunan na ng mga mahistrado ang petisyon ni Calida.

Si Sereno ang magpe-preside pero hindi ito sasama sa talakayan sa quo warranto petition.

Read more...