EO para sa Boracay interagency task force binuo ni Pangulong Duterte

Naglabas na ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order na bubuo sa Boracay interagency task force.

Sa ilalim ng EO No. 53, pangunahing tungkulin ng task force na pangasiwaan ang rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Matatandaang sarado ngayon sa turista ang isla sa loob ng anim na buwan.

Samantala, naglabas din ng EO No. 52 ang pangulo na nag-uutos sa pagbuo ng Program Management Office para sa Earthquake Resiliency para sa Greater Metro Manila.

Mandato ng nasabing opisina ay tiyakin na magiging maayos ang koordinasyon at maisasakatuparan ang lahat ng earthquake resiliency programs ng mga government agencies at ng lokal na pamahalan at ipatupad ang “strategy towards an earthquake resilient in Greater Metro Manila.”

Sa EO No. 54 naman ay pinatataas ni Pangulong Duterte ang Employees Compensation Benefits sa pribadong sektor at Career’s Allowance sa pampublikong sektor.

Nilagdaan rin ng pangulo ang EO No. 55 kung saan binuo ang isang Steering Committee na siyang mag-oorganisa ng mga commemorative events para sa ika-500 anibersaryo o Quincentennial celebration ng Arrival of Magellan sa Pilipinas, pagwawagi ni Lapu-Lapu sa Battle of Mactan, at iba pang mahahalagang historic events na naganap mula 1519 hanggang 1522.

Read more...