Floyd Mayweather kinuhang business partner ng ride- hailing app na U-Hop

By Den Macaranas May 10, 2018 - 05:51 PM

Inquirer file photo

Inihayag ng transport network company na U-Hop na kanilang magiging business partner ang dating boxing champion na si Floyd Mayweather Jr.

Inihahanda na ang nasabing partnership para sa worldwide expansion ng U-Hop.

Sinabi ni U-Hop Chairman Marvin Dela Cruz na balak ng kanilang kumpanya na dalhin ang kanilang transport network service sa U.S at sa iba pang panig ng mundo.

Malaking tulong umano sa kanilang grupo si Mayweather dahil sa resources at koneksyon ng nasabing boxing great.

Aminado rin si Dela Cruz na mas madaling makikilala sa ibang bansa ang U-Hop dahil sa pangalan ni Mayweather.

Gayunman ay tumanggi na si Dela Cruz na ibigay pa ang ilang detalye sa nasabing partnership.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Mayweather na isang maayos na kumpanya ang U-Hop at kanyang hinikayat ang publiko na tangkilikin ito.

TAGS: Floyd Mayweather, operation, tnc, TNVS, u-hop, Floyd Mayweather, operation, tnc, TNVS, u-hop

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.