Mga driver ng Philippine Embassy sa Kuwait hindi na kakasuhan

By Chona Yu May 10, 2018 - 04:29 PM

RTVM

Iniurong na ng gobyerno ng Kuwait ang kasong kidnapping laban sa apat na Filipino driver na una nang inaresto at kinulong dahil sa pagsama sa rescue operation sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon ay nakauwi na ang apat na driver sa kani-kanilang bahay sa Kuwait.

Gayunman, sinabi ni roque na hindi uuwi ng pilipinas ang apat na driver dahil sa Kuwait na sila naninirahan.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na gaganapin ang signing ng memorandum of agreement bukas sa Kuwait, araw ng Biyernes o gabi oras sa Pilipinas.

Makakasama aniya sa signing ng MOA sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Special Envoy to Kuwait Abdullah Mamao.

Nauna dito ay idineklarang persona-non-grata si dating Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa makaraan ang nasabing rescue mission para sa mga distressed OFWs doon.

TAGS: Bello, DFA, kuwait, mamao, Roque, Bello, DFA, kuwait, mamao, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.