ASEAN information system mas lalong lumakas sa ASEAN – Andanar

Pormal nang nai-turnover ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang chairmanship ng ASEAN Ministers Responsible for Information kay Minister S. Iswaran sa ginanap na turnover ceremony sa Singapore.

Pinasalamatan ni Andanar ang lahat ng member states at ang ASEAN Secretariat sa partnership at hindi matatawarang pagsisikap na maabot ang mga layunin ng ASEAN information sector.

Ipinagmalaki ni Andanar ang patuloy na awareness tungkol sa ASEAN kaya naman naiparating sa lahat ang benepisyo at mga oportunidad na dulot ng ASEAN integration.

Ayon kay Andanar, na-maximize ang iba’t ibang communication platforms at natugunan ang mga communication needs ng mga member state.

Binigyang diin pa ni Andanar na nakatuwang din ng AMRI ang private media organization at content industry sa pamamagitan ng mga makabuluhang dayalogo habang kinikilala ang kanilang papel sa ASEAN promotion.

Iginiit pa ni Andanar na naisulong din ang mga platforms na tutugon sa pagkalat ng fake news sa rehiyon habang pinalakas din ang pagsisikap na ma-improve ang media and information literacy sa mga mamamayan lalo na ng mga kabataan sa ASEAN.

Read more...