Mga OFWs muling makakapasok sa Kuwait ayon kay Bello

Radyo Inquirer

Irerekomenda ni Labor Sec. Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad na ng partial lifting ng deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait.

Ayon kay Bello, ito ay para makapag-deploy na ang Pilipinas ng mga skilled workers sa nasabing bansa.

Iginiit ni Bello na sa mga domestic workers na muna ipatupad ang deployment ban dahil na rin sa mga reklamo ng pang-aabuso.

Buwan ng Pebrero nang magpatupad si Pangulong Rodrigo Duterte ng total deployment ban ng mga OFWs sa Kuwait matapos matagpuan ang bangkay ng OFW na si Joana Demafelis na nakalagay sa freezer.

Kamakalawa ay naging matagumpay ang pakikipag-usap ng grupo sa kanilang mga conterparts sa Kuwait para sa maayos na kalagayan ng mga Pinoy workers doon .

Read more...