Philippine Azkals, bigo sa laban kontra Bahrain

 

Kuha ni Cedelf Tupas

Sa ikalawang pagkakataon, muling nabigo ang Philippine Azkals na makakuha ng panalo sa naganap na World Cup qualifiers kagabi sa Bahrain National Stadium.

Natapos ang laro sa iskor na 0-2, gayunman, nananatiling nasa ikatlong spot pa rin ang Azkals sa Group H, habang ang nasa tuktok ay ang Korea na may 13 points, na sinundan naman ng Uzbekistan na may 9 points.

Ito na ang ikalawang panalo ng Bahrain sa nasabing qualifying tournament, dahilan para madagdagan sila ng anim na puntos.

Dismayado naman ang coach ng Azkals na si Thomas Dooley at sinabing, kung nagkaroon lamang sila ng dalawa hanggang tatlong magandang tsansa sa first half, baka naiba ang takbo ng laban.

Dagdag pa niya, maganda naman ang laro nila noong first half ngunit hindi sila maka-iskor kaya nang makuha na ng Bahrain ang unang iskor, nahirapan na silang makahabol.

Dahil sa pagkatalong ito, bahagyang lumalabo na ang pagkakataon ng Azkals na makapasok sa third round.

Read more...