Ayon kina Presidential Spokesman Harry Roque at Labor Secretary Silvestre Bello, ito ang alok ng Kuwait matapos ang kanilang pakikipagpulong noong Miyerkules.
Sa ngayon nanatili sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang isangadaan at limampung OFW.
Sinabi kagabi ni Roque na makakasama nila pauwi ng Pilipinas ang 150 OFWs.
Pinapayagan na rin ng Kuwait na makauwi ang may 600 pang runaway na OFW na nasa embahada pa ng Pilipinas maliban na lamang ang may mga nakabinbing kaso.
Ayon kay Roque, lalagdaan na sa May 11 ang memorandum of agreement na magbibigay proteksyon sa mga OFW sa Kuwait.
Tuloy din aniya ang negosasyon ng Kuwait at Pilipinas sa tatlong diplomat na una nang naging restricted ang galaw matapos ang ginawang rescue operation sa mga distressed OFW.