Pamasahe sa eroplano ng 150 runaway OFWs sasagutin na ng Kuwait

By Chona Yu May 10, 2018 - 12:38 PM

Sasagutin na ng pamahalaan ng Kuwait ang pamasahe ng isangdaan at limampung Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi ng Pilipinas matapos tumakas sa kani-kanilang mga amo.

Ayon kina Presidential Spokesman Harry Roque at Labor Secretary Silvestre Bello, ito ang alok ng Kuwait matapos ang kanilang pakikipagpulong noong Miyerkules.

Sa ngayon nanatili sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang isangadaan at limampung OFW.

Sinabi kagabi ni Roque na makakasama nila pauwi ng Pilipinas ang 150 OFWs.

Pinapayagan na rin ng Kuwait na makauwi ang may 600 pang runaway na OFW na nasa embahada pa ng Pilipinas maliban na lamang ang may mga nakabinbing kaso.

Ayon kay Roque, lalagdaan na sa May 11 ang memorandum of agreement na magbibigay proteksyon sa mga OFW sa Kuwait.

Tuloy din aniya ang negosasyon ng Kuwait at Pilipinas sa tatlong diplomat na una nang naging restricted ang galaw matapos ang ginawang rescue operation sa mga distressed OFW.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DOLE, Harry Roque, Kuwait Government, OFWs, Radyo Inquirer, DOLE, Harry Roque, Kuwait Government, OFWs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.