Outgoing Malaysian Prime Minister Najib Razak tinanggap na ang pagkatalo sa katatapos na eleksyon
Tinanggap n ani outgoing Malaysian Prime Minister Najib Razak ang pagkatalo sa katatapos na national election sa bansa.
Sa isang press conference sinabi ni Najib na tinatanggap niya at ng kaniyang mga kasamahan sa koalisyon ang hatol ng taumbayan.
Ayon kay Najib kinikilala at inirerespeto nila ang prinsipyo ng demokrasya na umiiral sa bansa.
Magugunitang tinalo ni Mahathir Mohamad na pambato ng oposisyon si Najib.
Matapos ang pagkapanalo ni Mahathir nagsagawa ng pagkilos sa lansangan ang kaniyang mga tagasuporta upang ipagdiwang ang tagumpay.
Bitbit nila ang puti, asul at pulang mga watawat ng oposisyon.
Nagprotesta ang mga mamamayan sa Malaysia sa isyu ng korapsyon na kinasangkutan ng administrasyon ni Najib.
Hindi rin nila ikinatuwa ang pagpapatupad ng reporma sa buwis ng outgoing prime minister.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.