Ombudsman inakusahang nagpapagamit kontra pamilya Binay
Inamin ni Vice President Jejomar Binay na nasaktan siya sa pinakahuling kaso ng graft na balak isampa sa kanya ng Ombudsman at sa kanyang anak na si Junjun Binay sa isyu ng overpriced Makati Carpark Building.
Ayon kay Binay, kapansin-pansin na minamadali ng Ombudsman ang paghahain ng kaso laban sa kanya at sa kanyang anak ngunit maraming iba pang mga kaso na kinasasangkutan ng iba pang opisyal na nakabinbin dito.
“Nasasaktan pa rin ako at nalulungkot sa pangyayari. Hindi naman tayo nagpapakahipokrito. Ang investigation ng Ombudsman minadali. Inaalikabok yung sa mga kapartido at kaibigan. Pero kapag Binay, express lane. At walang tigil ang pag-aakusa sa akin sa media sa higit isang taon,” himutok ni Binay.
Binatikos din ni Binay ang mistula umanong pagpapagamit Ombudsman sa kasalukuyang administrasyon upang gipitin ang mga miyembro ng oposisyon at pagbalewala sa mga kaso ng kanilang mga kaalyado.
Halimbawa aniya ng ‘selective justice’ ay ang hindi pagpansin ng Ombudsman sa kaso ng service contract sa MRT at sa isyu ng Disbursement Aceeleration Program kung saan sangkot sina DOTC Secretary Jun Abaya at DBM Secretary Florencio Butch Abad.
Malinaw din aniya na nais ng administrasyon na ipa-disqualify siya at ang kanyang anak sa eleksyonn sa 2016 dahil kasapi ang mga ito ng oposisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.