Konsehal ng bayan patay sa pananambang sa Quezon

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Inquirer Southern Luzon May 10, 2018 - 11:35 AM

Patay sa pananambang ang isang konsehal ng bayan sa lalawigan ng Quezon.

Si Councilor Aristeo Ilao, 55 anyos ay binarily habang siya ay nasa loob ng kaniyang bahay sa Barangay Sampaloc 2, bayan ng Sariaya alas 9:30 ng umaga ng Huwebes (May 10).

Pinasok ng dalawang suspek ang bahay ni Ilao at saka siya ilang ulit na binaril sa ulo ayon kay Supt. Rafael Torres, hepe ng Sariaya police.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo matapos ang insidente.

Ikinagulat naman ng lokal na pamahalaan ng Sariaya ang papatay kay Ilao.

Ayon kay Sariaya Vice Mayor Alex Tolentino, said matino at masipag na public servant ang biktima.

Wala din umano siyang natatandaan na kontrobersiyang kinasangkutan ng konsehal habang nakaupo sa pwesto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: councilor, Radyo Inquirer, sariaya quezon, councilor, Radyo Inquirer, sariaya quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.