WATCH: Mga pasahero na nasa Batangas Port nagulat sa pagtunog ng fire alarm system sa pantalan
Nabahala ang mga pasahero na nasa pantalan sa Batangas makaraang magkaproblema ang fire alarm system sa Batangas International Port.
Nagulat ang mga naghihintay na pasahero nang dire-diretsong tumunog ang fire alarm.
Umabot sa halos 20 minuto ang pagtunog ng alarma bago ito tuluyang naihinto.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng Batangas Port sa mga pasahero dahil sa pag-activate ng kanilang fire alarm system nang wala namang sunog.
Hindi naman binanggit pa kung ano ang naging dahilan ng pag-activate ng alarm system.
NOW: Mga pasahero at mga security personnel sa Batangas International Port nagulat sa pagtunog ng fire alarm system ng passenger terminal @dzIQ990 pic.twitter.com/1EWpvKSQJH
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) May 10, 2018
Mahigit 15 na ng tumunog ang fire alarm system ng Batangas International Port Passenger Terminal pero hindi pa rin ito humihinto @dzIQ990 pic.twitter.com/iiWXiAQsac
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) May 10, 2018
Makalipas ang halos 20-minuto huminto na rin ang pagtunog ng fire alarm system ng passenger terminal ng Batangas Port @dzIQ990 pic.twitter.com/xOSFJayhs9
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) May 10, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.