Sa impormasyon mula kay Chief Supt. Dionard Carlos, director ng PNP – Aviation Security Group, sinabi nito na alas-11 ng tanghali na nakasakay na ang mga pasahero sa eroplano nang banggitin ng hindi na kinilalang pari ang salitang bomba.
Nabatid na inaasikaso ng flight attendant ng hindi na rin binanggit na airline company ang mga pasahero ng mapansin nito ang bagahe na nasa walkway.
Pinakiusapan ng flight attendant ang pari kung maaring ilagay na lang sa overhead compartment ang kanyang bagahe.
Dito ay nakiusap ang pari na huwag nang ilipat ang kanyang dala dahil wala naman itong bomba.
Agad nang inalerto ng flight attendang ang piloto na mabilis na humingi ng clearance sa control tower para pababain ang mga pasahero.
Kasunod nito ay nagsagawa na ng panelling ang Bomb Disposal Unit sa buong eroplano.
Pasado alas -3 na ng tanghali nang matuloy ang biyahe ng eroplano.
Ayon kay Carlos agad na rin pinakawalan ang pari dahil hindi naman na nagreklamo ang airline company.