Ben Tulfo dapat ginamit ang utak at hindi tinanggap ang P60M DOT ads ayon sa kuyang si Mon Tulfo

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 10, 2018 - 09:32 AM

Nagsalita na ang panganay sa magkakapatid na Tulfo na si Ramon “Mon” Tulfo hinggil sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kaniyang mga kapatid na sina dating Tourism Sec. Wanda Tulfo – Teo at sina Ben at Erwin Tulfo.

Sa kaniyang column na lumabas ngayong araw sa Philippine Daily Inquirer at sa Inquirer Bandera at may titulong “Setting the Record Straight”, sinabi ni Mon na nagpasya siyang magsalita sa usapin kahit ayaw ng pamilya Tulfo.

Pinayuhan din umano sila ni Pangulong Duterte na huwag nang magsalita sa media pero humihingi siya ng paumanhin sa pangulo dahil kailangan niyang itama ang lahat.

Ayon kay Mon Tulfo, kung may pagkakamali man si Teo, ito ay ang hindi niya pagkuha ng magagaling na tauhan sa DOT n asana ay nakapagbigay sa kaniya ng payo bago nilagdaan ang kotnrata para sa P60 million ads sa PTV4.

Wala umanog alam si Teo na makukuha ng program ani Ben ang paid advertisement ng DOT sa government channel.

Tinawag din ni Mon na pasaway at black sheep ng pamilya ang kapatid na si Ben na aniya ay nakararanas ng “middle child syndrome” at mistulang isang bata na gusto ng atensiyon sa pag-aakalang hindi siya nabibigyan nito.

Ani Mon, kung ginamit san ani Ben ang kaniyang “utak” dapat ay hindi niya tinanggap ang alok ng PTV4 na lagyan ng ads ng DOT ang “Kilos Pronto” program dahil sa conflict of interest bilang sila ni Teo ay magkapatid.

Noong pumutok ang eskandalo, pinakiusapan pa umano niya si Ben na magsalita at akuin ang pagkakamali para maisalba si Teo sa usapin, pero minura pa umano siya nito at sinabing ‘wag siyang tratuhing parang bata.

Isa pang pasaway ayon kay Mon ay ang baway niyang si Bobby Teo na hindi man lang nagkusang magbitiw bilang board member ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) nang malukloksa DOT si Wanta Teo.

Nagkamali din si Wanda Teo ayon kay mon nang kuning abogado si Atty. Ferdinand Topacio na aniya ay masyadong madaldal at mapapel.

Ani Ben, walang sinabi ang Tulfo brothers na isasauli nila ang perang nakuha ni Ben sa advertising contract.

Ayon sa nakatatandang Tulfo, paano naman niya isasauli ang perang hindi naman niya kinuha?

Nilinaw din ni Mon na si Erwin Tulfo ay isang talent lang sa PTV4 at hindi kasali sa kumpanya ni Ben.

Sa huli sinabi ng kuya ng mga Tulfo na susuportahan niya si Wanda sa kontrobersiya pero hindi si Ben.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ben tulfo, DOT Paid ads, Mon Tulfo, ptv4, Wanda Teo, ben tulfo, DOT Paid ads, Mon Tulfo, ptv4, Wanda Teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.