DPWH at MMDA pinakikilos ng Comelec sa pagbaklas sa mga illegal campaign poster

By Ricky Brozas May 10, 2018 - 09:16 AM

Nakatakda nang magtapos sa Sabado ang kampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Pero dahil marami pa ring election poster ang iligal na nakakabit o ipinaskil, ang Commission on Elections (COMELEC) nanawagan na sa mga kandidato na alisin ang mga poster na inilagay sa labas ng common poster area.

Sa ilalim ng Resolution Number 10323, pormal na ring inaatasan ng COMELEC ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para alisin ang mga campaign propaganda na iligal na ipinaskil at hindi rin tumalima sa itinakdang sukat.

Anila, dapat na makipag-ugnayan ang mga Election Officer sa MMDA at DPWH para sa pagpapatupad ng kautusan.

Ipinagbabawal ng COMELEC ang paglalagay ng campaign poster sa mga puno, foot bridge, poste ng ilaw at kable ng kuryente.

Una nang nagbabala ang COMELEC na aang hindi pagtalima sa panuntunan sa kampanya ay maituturing na paglabag sa batas sa eleksyon at ito ay posibleng humantong sa disqualification ng kandidato.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: campaign posters, comelec, DPWH, mmda, Radyo Inquirer, campaign posters, comelec, DPWH, mmda, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.